uruha.org![]() uruha.org Some thoughts, news, rants, food, anime, being geek of k0n
Articles:
1, 2
Articles
record of lodoss war
2007-05-25 15:08:00 pinanood ko ulit yung 'record of lodoss war' at nag download din ako ng 'legend of crystania'.. ngayon ko lang naman me continuation pala yung lodoss war hehe at ngayon ko lang din nalaman na yung oav before pa pala sa series hehe.. anyways hindi naman ako masyadong fanatic sa rolw... trip ko dun si ashram.. More About: Record , Cord
hitachi 1tb
2007-05-18 12:32:00 ang bilis ng panahon meron ng 1tb hd na binibenta [link] parang kailan lang yung mga 300gb ngayon 1tb na.. buti nalang wala pa akong interest bumili ng mga computer parts.. ok na ako sa pc ko ngayon (last year ko pa to nabili) so considered medyo bago pa hehe.. mag papalit siguro ako pag tipong nagkanda sira sira na mga pyesa... pero ok pa naman wala pa nasisira.. siguro kung 'kelangan' ko bumili yung magagamit ko sa work isa pang lcd monitor siguro pero naka priority ngayon ay sapatos... oo kelangan ang pangit ko kasi tignan pag naka rubber shoes ako tapos naka polo (julogs) hehe.. kahapon galing kami sa galle.. me caterpillar nga wala naman yung tamang size either maliit or sobrang laki.. pero 25% discount yung 5k na sapatos naging 3k+ nalang.. malamang pag meron nun sa shang walang discount.. e budget ko para sa 5k lang ayaw ko na taasan sayang sa pera.. at yung sapatos dapat magagamit ko pang casual at pang lakwatsa pinapanood kong anime ngayon 'planetes' tapos yung napanood... More About: Hitachi , Itachi
gmail spam
2007-05-16 08:16:00 dumadami na yung mga nakukuha kong spam messages sa gmail.. hindi ko alam kung bakit.. alam ko 'medyo' safe sa spam yung gmail.. pero halos iisa lang yung pattern ng mga spam na dumadating sa aken at iisang email lang naman (marami kasi akong email sa gmail).. tapos lahat puro galing sa yahoogroups.. wala naman ako magagawa so dine-delete ko nalang.. pinapanood ko ngayon yung 'a better tommorow trilogy' isa sya sa mga 'unang' downloads ko nung nagkaroon ako ng cable internet... classic hongkong brotherhood/gang/cops barilan shit sya hehe.. maliban sa kakanood ng movies naglalaro na din ako 'ulit' ng dota.. since nilabas na yung 6.43b ai++.. medyo ok ok na yung ai at marunong na sila mag defend ng base nila at mag group push.. More About: Spam , Gmail
Wake up
2007-05-13 13:22:00 Sabi ni kors, minsan pag masyado na daw akong late gumising, (mga 5pm or 6pm) or sobrang tagal kong matulog (10+ hrs), nag wo worry na sya. hehe Baka ma rico yan daw ako. :-) image source: http://www.ponandzi.com (posted by: k()r3e) More About: Wake , Wake up
tulog
2007-05-11 08:36:00 nabitin tulog ko kahapon.. 'normal' kasi yung tulog ko ng 8am kaso dumating yung destiny crew (nawalan kasi ako nang signal).. me pumutok daw na gamit nung gabi pero naayos na agad.. nagtataka sila wala akong net.. so ako naman tinignan ko modem (ganun pa din.. nagbliblink yung cable status).. pero sabi nila ok na.. so umakyat ulit ako sa kwarto kinabit ko yung cable wire directa sa modem (naka splitter kasi ako e hehe).. ayun gumana.. so sira na yung 'high tech' splitter ko.. sabi ko sa technical ok na boss.. hindi ko na pina-akyat sa kwarto kasi baka makita pa nila yung mga naka kabit sa modem nagpalusot nalang ako na 'me natutulog kasi e' ayun ok na net.. check emails and stuffs bago matulog.. me tumawag naku po me problema daw sa office (no choice ako kelangan ko talaga pumunta).. diretso ligo at nag taxi nalang ako.. naayos ko naman yung problema.. pumunta na din ako sa banko para mag pa encash para isang lakaran nalang after nun nagkita kami ni kors at kumain ako sa 'si...
bio chemical weapons
2007-04-30 20:00:00 ayos yung nabili naming lalagyan (mukha syang bio chem weapons) hehe parang pag binuksan mo me sasabog or kakalat na sakit.. nakakatuwa yung lalagyan pero nabibitin ako parang konti pa din.. siguro lalagyan ko nalang sya ng suka.. ngayon ginamit ko syang lalagyan ng ice tea More About: Weapons , Weapon , Chemical Weapons , Chemical , Chem
sapatos
2007-04-08 01:10:00 sinamahan ko kanina si koree bumili ng sapatos.. nagkita muna kami sa megamall tapos kumain kami ng konti sa kfc after nun tumambay kami sa french baker (inom lemonade at yosi na din ako) then lakad papunta sa shang.. nung nasa shang na kami naghanap kami ng sapatos.. nakita namin yung trip nyang 'puma' na sapatos at ang mahal nya P3190.. sabi ko 'hanap nalang tayo sa iba' ang dami ko sinabi pero pumayag naman sya.. pumunta kami ulit sa gamol (wala kaming nakita).. pumunta kami sa gamol ayun meron kaso iba yung kulay (mapili sya sa kulay) so sige punta sa gale (meron daw dun).. ayun nakabili kami sa gale same price den katulad sa shang.. hehe mahal talaga alangya pagkatapos namin bumili wasted na wasted na ako (super pagod at gutom na din) so kumain kami.. tinatanong nya ako kung saan sabi ko naman 'kahit saan' hehe.. sabi nya chowking ako naman 'wag' (akala ko ba kahit saan).. anyways kumain kami sa 'sizzling seafoods' at puta ang sarap ng blue marlin nila (pinatanggal ko... More About: Pato
classic power
2007-03-11 07:29:00 malakas ang pc ko (e6600) pero nilalaro ko puro classic games (mame, dos, psx, nes, snes, etc..) bakit kaya?.. kasi mas masaya pa den ang mga classic games kesa sa mga games ngayon na puros graphics at walang kwentang storya (sample dito ay ang final fantasy 6) siguro nga me mga kanya kanya tayong taste pero i-compare natin ang ff6 sa mga latest ff games? ang final fantasy 6 ay 2.2mb zipped.. 'mb' tapos ilang oras/araw ka maglalaro nito? hehe.. hindi lang yan sa aken lang mas ok storya ng ff6 kesa sa mga bagong ff.. sasabihin nyo siguro mas ok ff 9/10/11 etc.. nilaro nyo na ba ff6? hindi no.. snes pa kasi yun siguro iba sa inyo naabutan nyo pero yung iba baka hindi anyways wala kinalaman sa console gaming ang i-popost ko ngayon.. tungkol sya sa dos games.. ngayon ko lang kasi na try yung dosbox link at ang masasabi ko lang 'perfect!'.. ito ang hinahanap kong emulator para sa dos games.. hindi ko to nakita dati.. dati ang ginagamit ko ay dosemu at puro problema lang inabot ko (an... More About: Power , Classic , Class
na adik ako sa vmware
2007-03-09 20:00:02 medyo na-adik nga ako sa vmware link balak ko kumuha ng extra mem para sa gateway box ko.. ang nakalagay ngayon 512mb gusto ko sana kahit 1gig man lang tapos install ako ng win2k3 or xp tapos me mga guest os ako.. siguro isang firewall at isang squid para testing.. ayon sa nabasa ko possible i-virtual yung external nic (sample mydestiny) tapos yung isang nic naka bridge sa local network dito.. ansaya diba hehe ram lang talaga kelangan... at balak ko den gamitin vmware sa production environment (sa opisina) tutal hindi naman graphics mga hina-handle ko puro server types so 'ram' pa den kelangan kesa bibili ng maraming pc para sa servers pwede kumuha nalang ng 1 pc tapos mataba yung mem at hd tas virtual lahat ng process/applications.. mas tipid sa space (1 pc/server lang compared sa maraming pc/server) pero pag nasira yung pc sira lahat e.. pero ang kinaganda naman basta me backup ka lang ng virtual os pwede ilipat sa ibang pc at pwede ka mag save ng snapshots para madali i revert ... More About: War , Ware , Vmware
enlightened
2007-03-04 13:55:01 nag download ako ng e17 cvs at sinubukan ko sya ulit (dati ni try ko sya kaso marami masyadong problema lalo na pag add ng apps) pero ngayon medyo ok ok na sya isang beses palang ako nag crash hehe (nag open ako ng video sa konqueror) iniisip nyo ano kinalaman ng konqueror sa e17? ang e17 ay naghahandle ng windows (window borders etc) window manager ang e17 sa ngayon (alam ko kasi hindi lang window manager ang target ng e17) sa pag add ng apps sa menu medyo madali na sya ngayon ginagamit na nya yung desktop entry spec link tapos yung categories mo sa favorites/application menu ay directory based na so madali na talaga mag add ng apps... for short ang gagawin mo lang mkdir at copy paste ng .desktop file tas rename/palitan mo nalang yung mga contents nya sa loob hehe.. dati kasi medyo pahirapan pa ang ginagamit kong theme ay yung gant More About: Enlightened , Light
vmware
2007-02-28 13:52:02 naka ******** na din ako ng corporate windows xp sa ********.org ang maganda pa don naka slipstream na sya sa service pack 2 at naka update na hanggang feb07 hehe hindi ko na kelangan mag windows update sa ngayon since updated na sya.. syempre naka linux ako wala akong balak mag dual boot (ayaw ko mag reset) so nag install ako ng latest vmware syempre licensed ;) ... anyways sa pag install ng vmware gumamit ako ng vmware-any-any-update link (ginagamit tong patch na to para sa mga hindi supported na distributions kasama na ang debian dito pero ang pina-patch lang nya yung kernel modules) so ayun pinatch ko lang maayos na maayos ang vmware ang ganda pa ng gtk2 interface nya.. dito ako nag install ng windows xp nilagyan ko ng predefined 4gb partition (sapat na siguro to sa mga kelangan kong progies katulad ng ms visio).. so far walang problema sa pag install ng xp pati yung serial este yung patches kasama na sa ******** e.. nag meeting den kami kanina sa smart (head office nila yung sa... More About: War , Ware , Vmware
gma portal project crap
2007-02-23 13:48:02 me nakita akong bagong post sa inq7 link gagawa daw sila ng 'web-based' system para mag transfer ng documents at hindi lang yan nagsasabi pa sila 'secure' yung pag transfer... kaya ko nasabi 'crap' kasi ang mahal ng budget para sa project na yun P12M (twelve million) grabe! dyan ba napupunta yung tax natin? una sa lahat hindi aabot dapat sa ganyang kamahal.. since me nabanggit na 'vpn' so expected ang ll vpn (lease line vpn) eto ang medyo mahal.. pero intranet naman nasa 10k+ monthly ang 64kbps lease line.. ilan ba gagamitin nila? 40+? masyado ata malaki yung P12M para dun since makaka discount pa sila sa telcos kasi 'government' naman ang gagamit.. eto pa siguro 'mahal' yung 'portal' mismo kung tutuusin kung tamad yung developer pwede sila mag setup ng 'phpbb' palitan nalang nila yung 'graphics' para mag mukhang cute/professional/yada yada sa router side naman.. pwede naman linux based mas mura pa at isa pa secure by default ang vpn kasi hindi nakikita to sa inter... More About: Project , Port , Crap , Portal
dragon ball z
2007-02-22 13:47:02 dball yung pinapanood ko ngayon.. hindi ko pa tapos i-download 'lahat' kasi nasa 291 episodes yun hehe.. by batch ko dina-download (batch of 10) para me mapanood naman ako kesa hintayin ko matapos lahat diba.. gamit kong bt client ay azureus (oo alam ko malakas kumain ng mem) ok sana utorrent kung me 'native' client sya sa linux kaso wala e.. ayaw ko den gumamit ng 'wine' ok na ako sa azureus at isa pa malaki naman yung mem ko hehe.. kung gusto nyo mapanood den download lang kayo ng torrent search nyo sa google 'ahq dragon ball z' yun yung dina-download ko... so far yung 'ahq' release ang matino e naubusan na den ako ng tuyo.. bili nalang ulit kami sa up More About: Drag , Dragon Ball , Ball , Dragon , Dragon Ball Z
tangina ang init
2007-02-12 01:44:02 ang init ngayon tangina.. last week anlamig pero ngayon pucha sobra sa init e.. wala akong thermometer dito sa kwarto kaya diko masasabi gaano kainit ngayon pero sure ko sobra sa init kasi pinapawisan na ako.. anyways pupunta den ako sa sm fairview maya ng konti or ngayon na(deins na ako makatiis sa init e).. bibili ako ng dvdrs at full wheat croissant ng french baker.. kelangan ko ng dvdrs para ma backup ko yung mga files sa sata drive ko(160gb ntfs) medyo marami-rami den kelangan i backup nasa 130gb+.. so mga 30+ dvdrs yun.. tapos i foformat ko sya ng fat32(alam ko pwede i format ng fat32 sa linux.. pero syempre hindi pwede yung mga single files na tig 2gb).. ayaw ko na den ng audacious dami deps dun nalang ako sa xmms kahit glib1/gtk1 pa kelangan nya at me konting updates naman sa cvs eto konting personal trivia +++ bakit yung ibang pinoy mahilig mag english +++ 1. para mag mukhang professional (aminin mo na) 2. para maintindihan ng lahat (oo tama to lalo nat me mga internationa... More About: Tang
love and peace
2007-02-10 13:43:02 nagpakuha ako ng pix kanina sa sunken.. me spot ako nakita na parang ok (parang bahay ng duwende) ehe pero hindi naman ako naniniwala sa mga ganun.. pinapa-alis nga ako ni koree e (too much tv or too much filipino folk lore shits) anyways since gusto ko talaga mag pakuha edi kinunan nalang ako para umalis nalang ako sa spot na yun hehe.. tinanggal ko yung tali sa buhok ko para mag mukha akong adik o kaya hippy.. kinunan ko na den ng pix yung binili naming isaw (mang larry's) aktwali nawala yung inorder kong botsi kundi parang 'goto' yung binigay.. baboy sya na hindi maintindihan e.. sayang tuloy P25.. anyways ang kinain nalang namin yung 10 isaw at 5 atay.. bago kami kumain ng isaw nag 'mami' muna kami sa harap ng roddicks.. pero taena walang kwenta den yung mami nila.. hindi na ako kakain ng mami sa kanila.. chicken mami inorder namin pero parang tinola yung dating e.. salpak lang ng salpak ng manok.. hindi man lang inayos.. More About: Peace , Love
ok na pc ko
2007-02-10 07:42:01 matagal na din hindi ako nag post.. busy kasi ako kaka kalikot sa bagong linux desktop ko (debian unstable) sa pangalan palang unstable talaga hehe.. anyways so far maayos na lahat na install ko na lahat ng progies na kelangan ko ang kulang nalang vmware(kelangan ko ng visio e).. wag mong sasabihin gagamit ako ng mga opensouce alternatives kasi sa mga nakikita ko hindi nila kaya mag import ng visio or ang ginagawa nya kasing ganda ng visio.. wag din wine.. window manager - e16 terminals - konsole, aterm, xterm file browser - konqueror image - gimp network - firefox, thunderbird, gftp, gaim, azureus multimedia - mplayer, xine, audacious utilities - k3b development - jedit gamit kong x desktop ay xfree86 cvs ni try ko den yung xorg 7.1 cvs aktwali prefer kong gamitin yung xorg kasi mas mabilis yung response sa aken (meron den ako nakita sa forum ng freedesktop mas mabilis talaga response time ng xorg) kaso ayaw mag compile ng qt 3.3.7 sa aken me kinalaman sa xrandr.h.. ang gusto ko ...
reformat, debian, jmicron, hacks
2007-02-06 19:39:02 nag reformat ako kahapon ng pc.. medyo natagalan kasi huli ko na nalaman na hindi pwede yung ginamit kong netinstall ng debian (3.1r4) pag pasok ko ng cd nag boot pero nung mag-iinstall na hindi sya madetect hehe.. yung motherboard ko ay gigabyte 965p-s3(ich8/jmicron ide) kahit yung etch-rc na installer hindi din daw pwede so nag download nalang ako ng 3rd party na medyo mataas na kernel.. isa lang nakita ko link ayun na detect naman yung cdrom at naka pag install na ako.. after nyan me problema ulit aktwali pareho kami ni linus ng problema link nawawala/naghahang yung sata drive minsan pag maraming ginagawa(copy ng files, basa ng basa etc..) puro problema no? aktwali yung chipset yung me problema yung intel 965 (ich8/jmicron ide) so far sa 2.6.20 medyo matino nagbago ako ng settings sa bios imbes na ide mode naka ahci mode at non-legacy yung sata.. hindi ko den naman alam ano pinagkaiba ng ide mode at legacy mode dito medyo hindi pa naman ako nagkaka problema pero expect ko medyo b... More About: Hacks , Reform , Hack , Debian , Micro
tuyo, baso at itlog
2007-02-03 19:37:01 nakalimutan ko i-post.. bumili ako last week ng malaking cup/baso sa ever.. medyo nagsasawa na ako sa ginagamit ko(medyo maliit kasi) at nakakatamad bumaba at umakyat ulit para mag timpla ng kape.. so kelangan malaking baso para one shot nalang yung akyat/baba.. anyways sa bago kong baso nakaka 4x pabalik balik sa timpla hehe.. medyo na-adik ako sa kape.. i-post ko na din yung 'madalas' kong ulam sa gabi(oo gabi, hindi umaga) pero minsan yan den ulam ko sa umaga
gundam wing
More articles from this author:2007-01-24 01:29:01 pinapanood kong anime ngayon ay gundam wing.. nakaka miss na den at wala na den akong mapanood e.. hindi den ako maka download ng bago.. puno na hd ko at wala pang dvdrs.. hindi ko den ma format pc ko sa linux kasi ntfs yung 160gb na backup dir ko.. well mababasa naman ang ntfs sa linux kaso maliit lang talaga ang space ko kelangan ko mag backup ng konti tapos format.. naka hanap na din ako ng mame na pwede sa linux.. pangalan nya ay 'sdlmame' tapos me mga frontends din naman.. so game na ako sa pagfoformat wala lang space.. More About: Gundam , Wing 1, 2 |




